ANG IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE (IFI) SA GASAN
Ang pagkakatatag ng Iglesia Filipina Independiente (IFI) sa bayan ng Gasan ay nagsimula sa pagdaos ng unang misa sa wikang Tagalog na ginanap noong Mayo 18, 1905 sa loob ng bakuran ng isang bahay na ngayon ay bahagi ng Barangay Tres. Isinilang sa bahay na ito si Heneral Claro Guevarra, ang pinuno ng rebolusyonaryong sundalo sa Timog Katagalugan na nasa ilalim ni Heneral Emilio Aguinaldo. Noong 1999, nilagyan ng muhong pangkasaysayan (historical marker) ang lugar sa pangunguna ng Gasan Historical Society at nang unang pangulo nito na si G. Jose Sevilla Sadia. Ang unang pari ay mainit na tinanggap ng mga tao at pansamantalang tumuloy sa tahanan ni Lope de Leon. Ang unang pari ng IFI sa Gasan ay si Rev. Fr. Victorio Limano Carreon. Sa isang dokumento ng IFI, may tala ng pangalan ng mahigit 140 katao at mag-asawa na unang lumahok sa bagong tatag na simbahan. Naroon din ang listahan ng 33 magiting na mga Gaseñong tumulong sa pagtatag ng simbahan na kinabibilangan nina: Ginoong Abdon Soleta...