GASAN PUERICULTURE CENTER

 Sino si ASUNCION A. PEREZ at bakit ito ipinangalan sa kanya?

Ang Puericulture Center sa Gasan ay isang lumang gusali ng bayan na itinayo pa noong dekada 50s -60s. (Ngayon ay may bagong gusali na dito.) Ito ay itinayo para sa pangangala at pag-aaruga ng mga batang paslit. Makikita ito sa San Jose Street sa Barangay Dos pagbaba ng Catholic church.

Ang Gasan Puericulture Center ay ipinangalan kay Asuncion A. Perez at ito ay kilala bilang A.A. Perez Puericulture Center. Ito ay dating pre-school at kindergarten school noong late 70s. Noong 1980s, nagtayo ang pamahalaang Gasan ng gusaling pangpagamutan katabi nito. At nitong mga nakaraang taon, isinaayos ang gusali at naging Wellness and Eye Care Center.

Sino nga ba si Asuncion Arriola Perez o A.A. Perez? Bakit sa kanya ipinangalan ang gusali ng Gasan puericulture center?
Si Asuncion Arriola Perez (August 15, 1895 – 1967) ay ipinanganak sa Gasan kina Quirico Arriola at Severina Mandac. Siya ay isang kawani ng pamahalaan at isa sa naging social worker na nagsilbi sa Red Cross noong 1924. Siya ay naging Executive Secretary ng Associated Charities of Manila at ng Red Cross. Siya at ang kanyang asawa ay dinakip ng mga Hapon at ikinulong sa Fort Santiago noong Pebrero 3 hanggang Mayo 25, 1944. Ipinapatay ng mga Hapones ang kanyang asawa.
Si Asuncion A. Perez ay naging pinuno o administrador din ng Kagawaran ng Social Welfare (katumbas ng DSWD ngayon) sa ilalim ni Pangulong Elpidio Quirino noong 1948 hanggang 1953. Siya rin ay isa sa mga unang board of trustees ng Philippine Rural Reconstruction Movement at founder ng Children's Garden of the Philippines noong 1954.
Photo credit: CTTO

Comments

Popular posts from this blog

SI APOLINARIO MABINI AT ANG PINAKALUMANG BAHAY SA GASAN

ANG MAKASAYSAYANG BUHAY NI ROSARIO LUCES LUNA CAYETANO

ANG MISTERYO NG DEPORMADO AT PAHABANG BUNGO NG SINAUNANG TAO SA MARINDUQUE