ANG MAKASAYSAYANG GABALDON BUILDING NG GASAN CENTRAL SCHOOL

 


Ang Gasan Central School, ang nag-iisang eskuwelahang elementarya sa Gasan Poblacion na itinatag noong 1917, ay isa sa maraming eskuwelahan sa bansa kung saan nakatayo ang makasaysayang gusali na kung tawagin ay Gabaldon building.

Ang Gabaldon building ay mga gusaling pang-eskuwelahan na itinayo ng mga Amerikano noong panahon ng kanilang pananakop sa bansa. Ang gusaling ito ay hango sa arkitektura at elemento ng bahay kubo at bahay na bato ng mga Pilipino.

Sa bisa ng batas na Act No. 1801 o ang batas na sinulat ni Isauro Gabaldon ng Philippine Assembly noong 1907, sinimulan ang pagtatayo ng mga modernong pampublikong gusali sa mga paaralan sa bansa simula 1908 hanggang 1915 at may pondong 1 milyon.

Ang gusali ay dinisenyo ni William E. Parsons, isang Amerikanong arkitekto, at ang ideya ng pamantayang sukat nito na 7 at 9 na metro (23 ft x 30 ft) ay dinisenyo ni Parsons kahit na ilan pa bilang ng silid-aralan.Ang gusali ay nakaangat sa lupa ng may 1 metro at may mataas na kisame at malalaking bintana para sa hangin o bentilasyon. Si Parsons din ang arkitekto ng Paco Railroad Station at unang gusali ng Manila Hotel.
Sa Gasan Central School, ang gusali ng Gabaldon ay may pito (7) silid aralan dahil noong panahon ng mga Amerikano, ang eskuwelahan ay may pitong baitang. Ang paunang pag-aaral ay nagsisimula Baitang 1 hanggang Baitang 7. Pagkatapos nito, ang mga gusto pang mag-aaral ay pumupunta sa Marinduque National High School na itinatag sa Boac noong 1914.
Ang gusali ng Gabaldon sa Gasan Central School ay naging kulungan ng mga sundalong Hapon o Japanese garrison noong Second World War noong 1942-1945.
Dahil sa tibay ng gusali, ito rin ay naging evacuation area tuwing may malalakas na bagyo noong dekada 70s at 80s.
Ang Gabaldon building ay isang pamanang gusali (Heritage building) at ito ay pinapangalagaan sa ilalim ng REPUBLIC ACT 11194 (Gabaldon School Buildings Conservation Act). Ito ay protektado ng batas sa iligal na pagbabago tulad ng "modification, alteration, destruction, demolition or relocation".
Ang Gabaldon building ay maituturing din na isang “cultural property” sa ilalim ng Republic Act 10066 or the National Cultural Heritage Act of 2009. Sa batas na ito, iniuutos sa mga local government units (LGUs) na gumawa ng kautusan para mapangalagaan at maproteksyunan ang mga gusaling nasa hurisdiksyon nila.
National Historical Society, Vol 9
Photo credit: CTTO
Gasan Central School

Comments

Popular posts from this blog

SI APOLINARIO MABINI AT ANG PINAKALUMANG BAHAY SA GASAN

ANG MAKASAYSAYANG BUHAY NI ROSARIO LUCES LUNA CAYETANO

ANG MISTERYO NG DEPORMADO AT PAHABANG BUNGO NG SINAUNANG TAO SA MARINDUQUE