GASAN STEAMSHIPS NOONG 1920s


Bago ang mga batel, lantsa at RORO...



Noong 1920s, may biyahe na ng steamship sa Gasan, patungo at pabalik galing Maynila at ibang lugar. Ang munisipalidad ay isang masiglang port o pantalan noon pa man. Noong panahong iyon, ang byahe ng steamship ay lingguhan o kada 12 araw o dalawang linggo.
Ang pangalan ng mga streamships na ito ay Antipolo, Peking, Tamaraw at Vigilante.



Maliban sa Gasan, bumibiyahe rin ang mga steamship na ito sa Boac (Laylay port), Mogpog at Sta. Cruz patungo at pabalik ng Visayas; Naujan, Pitogo at Pinamalayan sa Mindoro; at Balayan at Calaca sa Batangas.
Ang mga steamships na ito ay pag-aari ng mga kompanyang tulad ng Fernandez Hermanos, Loo Teng Sin Y Martinez, Manuel Lopez, Mitchell & Yuill, at Nieva, Ruiz & Co.

#gasanport 

Comments

Popular posts from this blog

GASAN’S OLD MAJESTIC MUNICIPAL BUILDING – A TALE

ANG SAGRADONG LIBINGAN NG MGA SINAUNANG (PREHISTORIC) GASEÑO AT MARINDUQUEÑO

ANG MAKASAYSAYANG BUHAY NI ROSARIO LUCES LUNA CAYETANO