G.I. Steel matting ng US Army noong World War 2 na ginawang bakod

Ang Marston Mat o steel matting na G.I. (galvanized iron o General Issue) na ginamit ng mga sundalong Amerikano na bahagi ng Allied Forces na lumaban sa mga Hapones sa garrison ng Gasan Central School ay iniwan at ginawa itong bakod sa palagid ng eskuwelahan na makikita pa rin hanggang ngayon.

Ang Marston Mat ay ginawa at konsepto ng Carnegie Illinois Steel Company na may kontrata sa US Army noong WWII. Ang mga steel mats ay inilalatag sa lupa upang maging runway o babaan ng eroplano at daanan ng sasakyan. Ito ay kapaki-pakinabang lalo na sa mga isla sa Pasipiko. Ginamit din ito ng mga Allied forces sa Europa noong WWII.

Ang katawagan o nickname na Marston mat ay nagsimula sa lugar na Marston, North Carolina, ang lugar na malapit sa Camp MacKall Airfield kung saan unang ginamit ang mga butas-butas o perforated iron mats.

Comments

Popular posts from this blog

SI APOLINARIO MABINI AT ANG PINAKALUMANG BAHAY SA GASAN

ANG MAKASAYSAYANG BUHAY NI ROSARIO LUCES LUNA CAYETANO

ANG MISTERYO NG DEPORMADO AT PAHABANG BUNGO NG SINAUNANG TAO SA MARINDUQUE