GASAN'S FIRST GOBERNADORCILLO - DON AGUSTIN DE LOS SANTOS



Noong panahon ng Kastila sa Pilipinas (1565-1898), ang pamamahala sa bansa ay sa ilalim ng kapangyarihan ng Gobernador-Heneral na kinatawan ng Hari ng Espanya. Ang bansa ay nahahati sa encomienda (lalawigan) at pinamamahalaan ng encomiendero na kalauna'y pinalitan ng alcalde mayor. Ang maliit na bayan (pueblo) ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng isang gobernadorcillo.

Ang gobernadorcillo ang pinuno ng bayan bilang isang port captain at justice of peace.
Ang Gasan ay itinanghal na isang bayan ng mga Kastila noong 18th century kahit matagal nang may naninirahang mga tao dito. Ang unang gobernadorcillo ay hinirang ng mga Kastila noong 1800 at naglingkod hanggang 1801. Siya si Don Agustin de los Santos.



Noong panahong iyon, naitayo na ng mga Jesuit missionary priests ang istruktura at lugar para sa Katolikong simbahan ng Gasan sa isang burol sa ibabaw ng bayan. Ito rin ang nagsilbing lugar na tagamasid sa mga darating na sasakyang dagat, lalo na ng mga pirata..
Malaki ang lupaing nasasakop ng Gasan, kabilang na dito ang lupain ng Mt. Malindig at Buenavista - isang malawak ng paligawan o pasture land ng baka, kabayo at kalabaw. kung kaya't malaki ang kontribusyon nito sa kabang-bayan. Mas malaki ito kesa sa nakokolektang buwis at kinikita ng mga Kastila sa bayan ng Boac at Sta. Cruz.
Ref: Prof. Ramon Madrigal, Jou of History
Vol XI, 1963
Photos not mine: credit to the owner

Comments

Popular posts from this blog

GASAN’S OLD MAJESTIC MUNICIPAL BUILDING – A TALE

ANG SAGRADONG LIBINGAN NG MGA SINAUNANG (PREHISTORIC) GASEÑO AT MARINDUQUEÑO

ANG MAKASAYSAYANG BUHAY NI ROSARIO LUCES LUNA CAYETANO