ANG MAKASAYSAYANG BUHAY NI ROSARIO LUCES LUNA CAYETANO

Ang kauna-unahang beauty queen ng lalawigan bilang Miss Marinduque ay isang Gaseña at siya ay itinanghal sa Manila Carnival Search para sa Miss Philippines noong 1926.



Si Rosario Cayetano o kilala ng karamihan bilang “Charito”, ay anak nina Don Luciano Cayetano at Isabel Luces Luna. Ang pamilyang Luces Luna ay isa sa mga pamilyang sumuporta sa mga rebolusyonaryong Pilipino noong Phil-American War of 1900s.
Kaarawan ni Charito noong October 15. Ipinanganak siya noong 1904.

Si Charito ay ikalima sa anim na babaeng magkakapatid at meron silang isang kapatid na lalaki - si Angelito Sevilla.
Nag-aral si Charito ng elementarya sa Gasan at nagtapos ng high school sa UP High. Isa siya sa mga unang babae mula sa Marinduque na pumasok at nag-aral ng Parmasya (Pharmacy). Sa University of the Philippines (UP) napansin ang kanyang kagandahan at karisma hanggang sa mapili siyang kinatawan ng lalawigan sa 1st National Beauty Contest sa Manila Carnival. Sa gulang na 22, nakipagtagisan siya sa 35 pang ibang kandidato ng mga lalawigan.

Ikinasal siya kay Jose "Cito" Ocampo Lardizabal, isang abogadong taga-Boac, noong Pasko ng 1927. Si Cito ay anak nina of Severino Lardizabal at Aquilina Ocampo ng Boac.
Maganda ang kanilang naging pagsasama. Itinayo ni Charito ang Farmacia Cayetano, isa sa kauna-unahang parmasya sa bayan ng Gasan at ipinagpatuloy ni Cito ang pagiging manananggol at mabilis na umakyat sa puwesto mula sa Justice of the Peace ng Gasan hanggang sa maging Provincial Fiscal ng lalawigan ng Quezon.
Walong babae at isang lalaki ang kanilang naging anak : sina Esperanza, Norma, Linda, Nilda, Clemencia, Jose, Milagros, Agnes at Rosario.
Si Charito ay nagpunta sa Amerika noong 1978 dahil sa petisyon ng anak na si Agnes. Suma-kabilang buhay siya noong Setyembre 2003 sa gulang na 98 sa Harbor City, California.

Sana ay mapagkunan ng lakas at inspirasyon ng mga Gaseño ang matagumpay at masayang buhay ni ROSARIO LUCES LUNA CAYETANO LARDIZABAL - isang magandang ehemplo.
Info Credits: sir Joven Malabana Lilles
Photo credits: CTTO

Comments

Popular posts from this blog

SI APOLINARIO MABINI AT ANG PINAKALUMANG BAHAY SA GASAN

ANG MISTERYO NG DEPORMADO AT PAHABANG BUNGO NG SINAUNANG TAO SA MARINDUQUE