SI APOLINARIO MABINI AT ANG PINAKALUMANG BAHAY SA GASAN


May pagkakaugnay si Apolinario Mabini, ang Utak ng Rebolusyon, at ang pinakalumang bahay sa Gasan na pag-aari ng mag-asawang Martina Luces Luna at Agaton San Ignacio na itinayo noon pang ika-17 siglo.

Ang lumang bahay ng mga Luna na matatagpuan ngayon sa San Jose Street, Barangay Tres ay bahay na tagpuan ng mga rebolusyonaryo laban sa mga Kastila at Amerikano.


Ayon sa kasaysayan, ang pamilya Luna na dating naninirahan sa bahay na ito ay tagasuporta ng mga Rebolusyonaryo laban sa mga Amerikano noong 1900. Sa bahay na ito nagtipon-tipon ang mga mayayamang pamilya ng Gasan na kinabibilangan nina Don Baltazar Luces Luna (kapatid ni Martina), Don Mariano Rodriguez, Don Jose de Leon at marami pang iba, kasama ang presidente del municipalidad noong panahon iyon na si Don Esteban Sevilla.
Noong Abril 28, 1900, sama-sama silang umalis ng bayan, naglakbay sa bundok, umiwas sa kalye, patungong Boac at nakipagkita kay Martin Lardizabal, ang pinuno ng lalawigan, politico-miltary leader, upang magbigay suporta sa mga lumalaban sa Amerikano. Nangako sila ng pagkain at pera at maging tauhan para sa mga Pilipinong Rebolusyonaryo.

Ang bahay ding ito ang dating pinagkublihan ni Apolinaro Mabini sa kanyang pagtakas sa mga Amerikano hanggang sa siya ay madakip noong Disyembre 10, 1899 sa Cuyapo, Nueva Ecija at ipinatapon (exile) sa Guam. Nagbalik siya sa Pilipinas matapos manumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Namatay siya dahil sa cholera sa Batangas noong Mayo 13, 1903 sa gulang na 38.

(Research/ story: ML Salvacion)
Ref: Mabini, National Historical Society

Comments

Popular posts from this blog

ANG MISTERYO NG DEPORMADO AT PAHABANG BUNGO NG SINAUNANG TAO SA MARINDUQUE

ANG MAKASAYSAYANG BUHAY NI ROSARIO LUCES LUNA CAYETANO