Posts

ANG MAKASAYSAYANG GABALDON BUILDING NG GASAN CENTRAL SCHOOL

Image
  Ang Gasan Central School, ang nag-iisang eskuwelahang elementarya sa Gasan Poblacion na itinatag noong 1917, ay isa sa maraming eskuwelahan sa bansa kung saan nakatayo ang makasaysayang gusali na kung tawagin ay Gabaldon building. Ang Gabaldon building ay mga gusaling pang-eskuwelahan na itinayo ng mga Amerikano noong panahon ng kanilang pananakop sa bansa. Ang gusaling ito ay hango sa arkitektura at elemento ng bahay kubo at bahay na bato ng mga Pilipino. Sa bisa ng batas na Act No. 1801 o ang batas na sinulat ni Isauro Gabaldon ng Philippine Assembly noong 1907, sinimulan ang pagtatayo ng mga modernong pampublikong gusali sa mga paaralan sa bansa simula 1908 hanggang 1915 at may pondong 1 milyon. Ang gusali ay dinisenyo ni William E. Parsons, isang Amerikanong arkitekto, at ang ideya ng pamantayang sukat nito na 7 at 9 na metro (23 ft x 30 ft) ay dinisenyo ni Parsons kahit na ilan pa bilang ng silid-aralan.Ang gusali ay nakaangat sa lupa ng may 1 metro at may mataas na kisame a...

SI APOLINARIO MABINI AT ANG PINAKALUMANG BAHAY SA GASAN

Image
May pagkakaugnay si Apolinario Mabini, ang Utak ng Rebolusyon, at ang pinakalumang bahay sa Gasan na pag-aari ng mag-asawang Martina Luces Luna at Agaton San Ignacio na itinayo noon pang ika-17 siglo. Ang lumang bahay ng mga Luna na matatagpuan ngayon sa San Jose Street, Barangay Tres ay bahay na tagpuan ng mga rebolusyonaryo laban sa mga Kastila at Amerikano. Ayon sa kasaysayan, ang pamilya Luna na dating naninirahan sa bahay na ito ay tagasuporta ng mga Rebolusyonaryo laban sa mga Amerikano noong 1900. Sa bahay na ito nagtipon-tipon ang mga mayayamang pamilya ng Gasan na kinabibilangan nina Don Baltazar Luces Luna (kapatid ni Martina), Don Mariano Rodriguez, Don Jose de Leon at marami pang iba, kasama ang presidente del municipalidad noong panahon iyon na si Don Esteban Sevilla. Noong Abril 28, 1900, sama-sama silang umalis ng bayan, naglakbay sa bundok, umiwas sa kalye, patungong Boac at nakipagkita kay Martin Lardizabal, ang pinuno ng lalawigan, politico-miltary leader, upang mag...

GASAN PUERICULTURE CENTER

Image
 Sino si ASUNCION A. PEREZ at bakit ito ipinangalan sa kanya? Ang Puericulture Center sa Gasan ay isang lumang gusali ng bayan na itinayo pa noong dekada 50s -60s. (Ngayon ay may bagong gusali na dito.) Ito ay itinayo para sa pangangala at pag-aaruga ng mga batang paslit. Makikita ito sa San Jose Street sa Barangay Dos pagbaba ng Catholic church. Ang Gasan Puericulture Center ay ipinangalan kay Asuncion A. Perez at ito ay kilala bilang A.A. Perez Puericulture Center. Ito ay dating pre-school at kindergarten school noong late 70s. Noong 1980s, nagtayo ang pamahalaang Gasan ng gusaling pangpagamutan katabi nito. At nitong mga nakaraang taon, isinaayos ang gusali at naging Wellness and Eye Care Center. Sino nga ba si Asuncion Arriola Perez o A.A. Perez? Bakit sa kanya ipinangalan ang gusali ng Gasan puericulture center? Si Asuncion Arriola Perez (August 15, 1895 – 1967) ay ipinanganak sa Gasan kina Quirico Arriola at Severina Mandac. Siya ay isang kawani ng pamahalaan at isa sa nagin...

GASAN STEAMSHIPS NOONG 1920s

Image
Bago ang mga batel, lantsa at RORO... Noong 1920s, may biyahe na ng steamship sa Gasan, patungo at pabalik galing Maynila at ibang lugar. Ang munisipalidad ay isang masiglang port o pantalan noon pa man. Noong panahong iyon, ang byahe ng steamship ay lingguhan o kada 12 araw o dalawang linggo. Ang pangalan ng mga streamships na ito ay Antipolo, Peking, Tamaraw at Vigilante. Maliban sa Gasan, bumibiyahe rin ang mga steamship na ito sa Boac (Laylay port), Mogpog at Sta. Cruz patungo at pabalik ng Visayas; Naujan, Pitogo at Pinamalayan sa Mindoro; at Balayan at Calaca sa Batangas. Ang mga steamships na ito ay pag-aari ng mga kompanyang tulad ng Fernandez Hermanos, Loo Teng Sin Y Martinez, Manuel Lopez, Mitchell & Yuill, at Nieva, Ruiz & Co. Photo/ images: CTTO Ref: http://ulongbeach.com/Transportation_and_Infrastructure.html #GasanMarinduque #gasanhistory #gasanport  

3 HERITAGE HOMES SA GASAN NATUPOK NG APOY

Image
  Tatlong lumang kabahayan o maituturing na ancestral and heritage houses ang tinupok ng apoy sa isang aksidenteng sunog na naganap sa San Jose Street, Barangay Dos Poblacion, sa harap ng Gasan Municipal Building noong madaling araw ng Setyembre 28, 2023. Nakakalungkot ang pagkasunog ng mga lumang bahay na ito na naging bahagi na ng makulay at mahabang kasaysayan ng Gasan, ang pangalawang pinakalumang bayan sa Marinduque, kasunod sa Boac, ang kabisera. Photo credit: Marinduque News Now Ang kalahating bloke ng kabahayan sa lugar na ito sa San Jose, Bonifacio, Plata at Gomez Streets ay kinatitirikan ng mga bahay ng isang lumang pamilya ng Gasan - ang pamilya De Leon. Ang natitirang kalahati ng bloke ay pag-aari naman ng mayamang pamilya ng Cayetano-Lardizabal, may-ari ng una at nag-iisang tindahan ng gamot noon - ang Pharmacia Cayetano. Ang pamilya De Leon ay kabilang sa mga sinaunang pamilya kasama ang mga Luna at Sevilla, na sumama at sumuporta sa pakikipaglaban laban sa mga Amerik...

GASAN'S FIRST GOBERNADORCILLO - DON AGUSTIN DE LOS SANTOS

Image
Noong panahon ng Kastila sa Pilipinas (1565-1898), ang pamamahala sa bansa ay sa ilalim ng kapangyarihan ng Gobernador-Heneral na kinatawan ng Hari ng Espanya. Ang bansa ay nahahati sa encomienda (lalawigan) at pinamamahalaan ng encomiendero na kalauna'y pinalitan ng alcalde mayor. Ang maliit na bayan (pueblo) ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng isang gobernadorcillo. Ang gobernadorcillo ang pinuno ng bayan bilang isang port captain at justice of peace. Ang Gasan ay itinanghal na isang bayan ng mga Kastila noong 18th century kahit matagal nang may naninirahang mga tao dito. Ang unang gobernadorcillo ay hinirang ng mga Kastila noong 1800 at naglingkod hanggang 1801. Siya si Don Agustin de los Santos. Noong panahong iyon, naitayo na ng mga Jesuit missionary priests ang istruktura at lugar para sa Katolikong simbahan ng Gasan sa isang burol sa ibabaw ng bayan. Ito rin ang nagsilbing lugar na tagamasid sa mga darating na sasakyang dagat, lalo na ng mga pirata.. Malaki ang lupaing nasasa...

PIRATA AT PINSALA NG BAGYO SA GASAN NOONG 16TH AT 17TH CENTURY

Image
  Noong 16th at 17th century, puno ng lungkot, pighati at paghihirap ang pamumuhay ng mga tao sa Marinduque, lalo na sa bayan ng Gasan. Hindi pa ganap na bayan ang Gasan at isang pulutong (settlement) ng kabahayan pa lamang ang nasa lugar. Ito ay dahil sa pag-atake ng mga Morong pirata na naghahanap ng alipin at sa pinsalang dulot ng bagyo. Ngunit ayon sa tala ng kasaysayan, ang simbahan sa Gasan ay itinayo ng mga Kastila noong 1609 at ang bayan ng Gasan ay 414 taong gulang ngayon. Ayon sa kasaysayan, ang mga Malay, Intsik, at taga-Borneo ay may kalakalan na sa mga Pilipino. Mayroon din mga pirata na Moro at Borneo na umaatake sa ilang lugar upang kumuha ng tao, gawing alipin at ipagbili sa ibang tao. Ang sukdulan ng paglusob ng mga piratang ito ay naganap noong dekada 1750s dahil sa demand o hiling ng negosyante ng Dutch East Indies. At ang pag-atakeng ito ay ginagawa nila maging sa lugar na pinamamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo 1754, halos 900 na pirata na sakay ng 17 Moro 'emba...