PIRATA AT PINSALA NG BAGYO SA GASAN NOONG 16TH AT 17TH CENTURY

 Noong 16th at 17th century, puno ng lungkot, pighati at paghihirap ang pamumuhay ng mga tao sa Marinduque, lalo na sa bayan ng Gasan. Hindi pa ganap na bayan ang Gasan at isang pulutong (settlement) ng kabahayan pa lamang ang nasa lugar. Ito ay dahil sa pag-atake ng mga Morong pirata na naghahanap ng alipin at sa pinsalang dulot ng bagyo.

Ngunit ayon sa tala ng kasaysayan, ang simbahan sa Gasan ay itinayo ng mga Kastila noong 1609 at ang bayan ng Gasan ay 414 taong gulang ngayon.



Ayon sa kasaysayan, ang mga Malay, Intsik, at taga-Borneo ay may kalakalan na sa mga Pilipino. Mayroon din mga pirata na Moro at Borneo na umaatake sa ilang lugar upang kumuha ng tao, gawing alipin at ipagbili sa ibang tao. Ang sukdulan ng paglusob ng mga piratang ito ay naganap noong dekada 1750s dahil sa demand o hiling ng negosyante ng Dutch East Indies. At ang pag-atakeng ito ay ginagawa nila maging sa lugar na pinamamahalaan ng Kastila.



Noong Hunyo 1754, halos 900 na pirata na sakay ng 17 Moro 'embarcaciones' o bangka ang lumusob sa Boac at kinuha ang mga nakatira dito para ipagbili bilang alipin. Sampung taon pagkalipas nito, noong 1764, umatake ang mga pirata sa GASAN, kinuha ang mga residente, at 130 katao lang ang natira sa bayan.
Maliban sa pirata, dumanas rin ng bayo ng kalikasan, tulad ng malalakas na bagyo ang Marinduque noong panahong iyon at malaki ang naging pinsalang inabot nilto.
Noong Nobyembre 13, 1844, "maraming sasakyang dagat ang lumubog; bumagsak ang gusali ng simbahan sa Gasan; maraming bahay ang nasira sa Mogpog at 500 hayop sa bukid ang namatay sa Boac". Ito ay ayon sa tala na nakaulat sa "Typhoons in the Philippine Islands 1566-1900)" (Garcia-Herrera, Ribera, Hernandez and Gimeno).

Photo/ image not mine CTTO
Ref: "Typhoons in the Philippine Islands 1566-1900)" (Garcia-Herrera, Ribera, Hernandez and Gimeno)
Moro Piracy during the Spanish Period and Its Impact
Domingo M. Non

Comments

Popular posts from this blog

GASAN’S OLD MAJESTIC MUNICIPAL BUILDING – A TALE

ANG MAKASAYSAYANG GABALDON BUILDING NG GASAN CENTRAL SCHOOL

HIGANTES MORIONES OF GASAN