Posts

ANG MISTERYO NG DEPORMADO AT PAHABANG BUNGO NG SINAUNANG TAO SA MARINDUQUE

Image
 "ALIEN O LOST RACE?" Noong 1860s, nang dumating sa Pilipinas si Fedor Jagor, isang German-Russian anthropologist, naglakbay at nagsaliksik siya at siya ang unang banyagang nakadiskubre ng mga pahabang bungo (elongated skulls) sa isa sa mga kuweba sa Marinduque. Ang mga depormadong bungo ay kahalintulad din ng mga bungo na kanyang natagpuan sa Cagraray at Albay sa Bicol. Noong 1881, dumating din sa Marinduque si Antoine-Alfred Marche, ang French naturalist at explorer, at gumawa ng isang sistematiko at siyentipikong pananaliksik sa mga pahabang bungo at bangkay ng mga tao. Pinasok niya ang mga kuwebang-libingan o ‘funeral grotto’ sa Boac, ang Bathala cave, at ang Tres Reyes Islands sa Gasan. Sa kanyang paggalugad, marami siyang nakuhang mga gamit o artifacts katulad ng mga banga (jars), pinggan, mga figurines, gintong alahas, ceramics, mga kalansay, at kabaong. Dinala niya ang kanyang mga nakalap sa kanyang pagbabalik sa France at idinisplay sa Musée du Quai Branly at Mus...

ANG SAGRADONG LIBINGAN NG MGA SINAUNANG (PREHISTORIC) GASEÑO AT MARINDUQUEÑO

Image
  Mula sa expedition ni Antoine- Alfred Marche, isang French naturalist at explorer, na dumating sa Pilipinas at gumala sa Luzon, lalo na sa Marinduque at Bicol noong Abril hanggang Hulyo 1881, marami siyang natuklasan. Dumating siya sa Marinduque noong Abril 14, 1881 at tumira sa Boac. Pinuntahan ni Marche ang maraming kweba sa Marinduque, simula Abril 20-25, kasama dito ang kuweba ng Pamintaan na isa rin libingan at nakita niya ang mga bangkay at kakaibang bungo ng taong nakahimlay sa mga jar o banga dito. Nakita rin niya ang anito ng mga sinaunang Marinduque na tinatawag na "Pastores" at ilang pulseras at gamit.   Noong Abril 25, 1881, nagpunta siya sa bayan ng Gasan kasama ang alcalde ng Boac na si Don Juan Gallego at isang Doktor Diaz. Hinatid siya ng alcalde hanggang sa makarating sa Gasan. Ang doktor na kasabay niya ay pumunta ng Gasan para maggamot ng bulutong (chicken pox). Sa Gasan, tumigil siya sa bahay ni Senor Berdote, isang mayaman at may lahing French n...

ANG IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE (IFI) SA GASAN

Image
Ang pagkakatatag ng Iglesia Filipina Independiente (IFI) sa bayan ng Gasan ay nagsimula sa pagdaos ng unang misa sa wikang Tagalog na ginanap noong Mayo 18, 1905 sa loob ng bakuran ng isang bahay na ngayon ay bahagi ng Barangay Tres. Isinilang sa bahay na ito si Heneral Claro Guevarra, ang pinuno ng rebolusyonaryong sundalo sa Timog Katagalugan na nasa ilalim ni Heneral Emilio Aguinaldo. Noong 1999, nilagyan ng muhong pangkasaysayan (historical marker) ang lugar sa pangunguna ng Gasan Historical Society at nang unang pangulo nito na si G. Jose Sevilla Sadia. Ang unang pari ay mainit na tinanggap ng mga tao at pansamantalang tumuloy sa tahanan ni Lope de Leon. Ang unang pari ng IFI sa Gasan ay si Rev. Fr. Victorio Limano Carreon. Sa isang dokumento ng IFI, may tala ng pangalan ng mahigit 140 katao at mag-asawa na unang lumahok sa bagong tatag na simbahan. Naroon din ang listahan ng 33 magiting na mga Gaseñong tumulong sa pagtatag ng simbahan na kinabibilangan nina: Ginoong Abdon Soleta...

ANG MAKASAYSAYANG BUHAY NI ROSARIO LUCES LUNA CAYETANO

Image
Ang kauna-unahang beauty queen ng lalawigan bilang Miss Marinduque ay isang Gaseña at siya ay itinanghal sa Manila Carnival Search para sa Miss Philippines noong 1926. Si Rosario Cayetano o kilala ng karamihan bilang “Charito”, ay anak nina Don Luciano Cayetano at Isabel Luces Luna. Ang pamilyang Luces Luna ay isa sa mga pamilyang sumuporta sa mga rebolusyonaryong Pilipino noong Phil-American War of 1900s. Kaarawan ni Charito noong October 15. Ipinanganak siya noong 1904. Si Charito ay ikalima sa anim na babaeng magkakapatid at meron silang isang kapatid na lalaki - si Angelito Sevilla. Nag-aral si Charito ng elementarya sa Gasan at nagtapos ng high school sa UP High. Isa siya sa mga unang babae mula sa Marinduque na pumasok at nag-aral ng Parmasya (Pharmacy). Sa University of the Philippines (UP) napansin ang kanyang kagandahan at karisma hanggang sa mapili siyang kinatawan ng lalawigan sa 1st National Beauty Contest sa Manila Carnival. Sa gulang na 22, nakipagtagisan siya sa 35 pang ...

G.I. Steel matting ng US Army noong World War 2 na ginawang bakod

Image
Ang Marston Mat o steel matting na G.I. (galvanized iron o General Issue) na ginamit ng mga sundalong Amerikano na bahagi ng Allied Forces na lumaban sa mga Hapones sa garrison ng Gasan Central School ay iniwan at ginawa itong bakod sa palagid ng eskuwelahan na makikita pa rin hanggang ngayon. Ang Marston Mat ay ginawa at konsepto ng Carnegie Illinois Steel Company na may kontrata sa US Army noong WWII. Ang mga steel mats ay inilalatag sa lupa upang maging runway o babaan ng eroplano at daanan ng sasakyan. Ito ay kapaki-pakinabang lalo na sa mga isla sa Pasipiko. Ginamit din ito ng mga Allied forces sa Europa noong WWII. Ang katawagan o nickname na Marston mat ay nagsimula sa lugar na Marston, North Carolina, ang lugar na malapit sa Camp MacKall Airfield kung saan unang ginamit ang mga butas-butas o perforated iron mats. Photo credit: CTTO Ref: https://samenews.org/the-history-of-airfield-matting-design/ #GasanMarinduque #gasanhistory #gasancentralschool

ANG MAKASAYSAYANG GABALDON BUILDING NG GASAN CENTRAL SCHOOL

Image
  Ang Gasan Central School, ang nag-iisang eskuwelahang elementarya sa Gasan Poblacion na itinatag noong 1917, ay isa sa maraming eskuwelahan sa bansa kung saan nakatayo ang makasaysayang gusali na kung tawagin ay Gabaldon building. Ang Gabaldon building ay mga gusaling pang-eskuwelahan na itinayo ng mga Amerikano noong panahon ng kanilang pananakop sa bansa. Ang gusaling ito ay hango sa arkitektura at elemento ng bahay kubo at bahay na bato ng mga Pilipino. Sa bisa ng batas na Act No. 1801 o ang batas na sinulat ni Isauro Gabaldon ng Philippine Assembly noong 1907, sinimulan ang pagtatayo ng mga modernong pampublikong gusali sa mga paaralan sa bansa simula 1908 hanggang 1915 at may pondong 1 milyon. Ang gusali ay dinisenyo ni William E. Parsons, isang Amerikanong arkitekto, at ang ideya ng pamantayang sukat nito na 7 at 9 na metro (23 ft x 30 ft) ay dinisenyo ni Parsons kahit na ilan pa bilang ng silid-aralan.Ang gusali ay nakaangat sa lupa ng may 1 metro at may mataas na kisame a...

SI APOLINARIO MABINI AT ANG PINAKALUMANG BAHAY SA GASAN

Image
May pagkakaugnay si Apolinario Mabini, ang Utak ng Rebolusyon, at ang pinakalumang bahay sa Gasan na pag-aari ng mag-asawang Martina Luces Luna at Agaton San Ignacio na itinayo noon pang ika-17 siglo. Ang lumang bahay ng mga Luna na matatagpuan ngayon sa San Jose Street, Barangay Tres ay bahay na tagpuan ng mga rebolusyonaryo laban sa mga Kastila at Amerikano. Ayon sa kasaysayan, ang pamilya Luna na dating naninirahan sa bahay na ito ay tagasuporta ng mga Rebolusyonaryo laban sa mga Amerikano noong 1900. Sa bahay na ito nagtipon-tipon ang mga mayayamang pamilya ng Gasan na kinabibilangan nina Don Baltazar Luces Luna (kapatid ni Martina), Don Mariano Rodriguez, Don Jose de Leon at marami pang iba, kasama ang presidente del municipalidad noong panahon iyon na si Don Esteban Sevilla. Noong Abril 28, 1900, sama-sama silang umalis ng bayan, naglakbay sa bundok, umiwas sa kalye, patungong Boac at nakipagkita kay Martin Lardizabal, ang pinuno ng lalawigan, politico-miltary leader, upang mag...