ANG MISTERYO NG DEPORMADO AT PAHABANG BUNGO NG SINAUNANG TAO SA MARINDUQUE
"ALIEN O LOST RACE?"
Noong 1860s, nang dumating sa Pilipinas si Fedor Jagor, isang German-Russian anthropologist, naglakbay at nagsaliksik siya at siya ang unang banyagang nakadiskubre ng mga pahabang bungo (elongated skulls) sa isa sa mga kuweba sa Marinduque. Ang mga depormadong bungo ay kahalintulad din ng mga bungo na kanyang natagpuan sa Cagraray at Albay sa Bicol.
Noong 1881, dumating din sa Marinduque si Antoine-Alfred Marche, ang French naturalist at explorer, at gumawa ng isang sistematiko at siyentipikong pananaliksik sa mga pahabang bungo at bangkay ng mga tao. Pinasok niya ang mga kuwebang-libingan o ‘funeral grotto’ sa Boac, ang Bathala cave, at ang Tres Reyes Islands sa Gasan. Sa kanyang paggalugad, marami siyang nakuhang mga gamit o artifacts katulad ng mga banga (jars), pinggan, mga figurines, gintong alahas, ceramics, mga kalansay, at kabaong.
Dinala niya ang kanyang mga nakalap
sa kanyang pagbabalik sa France at idinisplay sa Musée du Quai Branly at Musée
de L'Homme sa Paris, at ang iba naman ay napunta sa Smithsonian Institution sa
Washington, D.C. sa Estados Unidos.
Isa sa mga kakaibang bagay na nadiskubre ni Marche sa ilang kuweba sa Marinduque ay ang ilang kahoy na kabaong na may imahe ng hayop tulad ng buwaya na pantakip dito, kagaya ng natagpuan sa Madagascar sa East Africa.
Isa pang kamangha-mangha ay ang mga depormado at pahabang bungo (elongated skulls) ng tao na nakalagay sa banga na nakuha sa mga kuwebang-libingan ng Tres Reyes Islands, Pamintaan at Macayan. Ito ay kahalintulad din ng mga nakuha sa mga Egyptian, Mayan at Incan na nasa malayong lupain.
Sino ang mga taong ito na may pahabang bungo? Sila ba ay nagmula sa ibang limot na lahi o ‘lost race’ ng mga tao? Sila ba ay kasamang nabuhay ng mga Aeta, Mangyan at Malay sa sinaunang Marinduque?
Ayon sa kasaysayan, ang pahabang bungo ay kaugalian ng unang panahon kung saan ang ulo ng tao - habang sanggol pa ito – ay iniipit sa dalawang piraso ng kahoy o tela. Ang kaugaliang ito ay ginagawa upang maihiwalay ang royalty sa ordinaryong tao. Ito ay matatagpuan sa mga magkakalayong lipunan sa “Africa, Silangang Germany, Hilagang Amerika, Aboriginal Australians, at mga isla sa Caribbean”.
Sa pag-aaral ng kasaysayan ng sinaunang Pilipinas(prehistoric Philippines), bago pa dumating ang mga Kastila sa bansa, ang “cranial deformation” o ang pagbabago ng hugis ng ulo (kilala rin bilang “head flattening o binding”) ay ginagawa na ng mga Visayan. Ito ay isang sinaunang konsepto ng kagandahan.
Ito ay ginagawa sa mga bata o sanggol sa pamamagitan ng
paggamit ng tangad, isang set ng mga kahoy na parang suklay.
Ayon sa konsepto ng mga sinaunang Visayan, magandasa kanilang
paningin ang may malapad na mukha, malaking noo at pangong ilong. Ito ang
kanilang pamantayan ng kagandahan noong unang panahon.
Sa pagdating ng mga Kastila, nabago ang mga katutubong
konsepto o “indigenous concepts” na ito at napalitan ng Europeong pamantayan ng
kagandahan dulot ng kultura ng mga
Kastila.
Sila ba ay “alien” o nagmula sa ibang daigdig na
pumunta sa mundo noong panahong iyon?
Ayon sa DNA test na isinagawa ng isang geneticist noong 2014, napag-alaman na ang DNA ng mga Paracas skulls o ang 2,000-libong taong pahabang bungo sa Paracas, Peru ay mayroong “mitochondrial DNA ‘with mutations unknown in any human, primate, or animal known so far”. Kakaiba ang DNA nito kung ikukumpara sa mga taong nabubuhay doon o natives.
Hanggang ngayon hindi pa rin
matiyak ang pinanggalingan nito at isa pa ring malaking palaisipan.
Photo credit: CTTO
Ref:
https://www.phillife.co/skull-moulding/
https://archaeologyworlds.com/new-dna-testing-on-2000-year-old-elongated-paracas-skulls-changes-known-history/
https://www.historicmysteries.com/elongated-skulls-mystery/
Comments
Post a Comment