ANG SAGRADONG LIBINGAN NG MGA SINAUNANG (PREHISTORIC) GASEÑO AT MARINDUQUEÑO

 


Mula sa expedition ni Antoine- Alfred Marche, isang French naturalist at explorer, na dumating sa Pilipinas at gumala sa Luzon, lalo na sa Marinduque at Bicol noong Abril hanggang Hulyo 1881, marami siyang natuklasan.


Dumating siya sa Marinduque noong Abril 14, 1881 at tumira sa Boac. Pinuntahan ni Marche ang maraming kweba sa Marinduque, simula Abril 20-25, kasama dito ang kuweba ng Pamintaan na isa rin libingan at nakita niya ang mga bangkay at kakaibang bungo ng taong nakahimlay sa mga jar o banga dito.

Nakita rin niya ang anito ng mga sinaunang Marinduque na tinatawag na "Pastores" at ilang pulseras at gamit. 


Noong Abril 25, 1881, nagpunta siya sa bayan ng Gasan kasama ang alcalde ng Boac na si Don Juan Gallego at isang Doktor Diaz. Hinatid siya ng alcalde hanggang sa makarating sa Gasan. Ang doktor na kasabay niya ay pumunta ng Gasan para maggamot ng bulutong (chicken pox).

Sa Gasan, tumigil siya sa bahay ni Senor Berdote, isang mayaman at may lahing French na nakapangasawa ng isang Gasena. Tinulungan ni Senor Berdote si Marche sa paghahanap ng ilang lugar kung saan maaari siyang maghukay at natagpuan ang ilang banga na mga bangkay.

Nakilala rin niya si Father Clemente San Ignacio, ang Katolikong pari na tubong Gasan.


Ipinakita ni Padre Ignacio ang kanyang kakaibang koleksyon ng shell at kung anu-anong kagamitan. Sinamahan din nila si Marche sa Gaspar Island sa Tres Reyes Islands upang makita ang sagradong kuweba kung saan may mga buto at bangkay ng namatay na tao.


Ang mga iba't-ibang bagay o artifacts na nakuha ni Marche ay dinala niya pag-uwi sa France at idinisplay sa Musee deL'Homme.

 (Researched by: ML Salvacion)

Photo credit: CTTO

Ref: http://ulongbeach.com

Comments

Popular posts from this blog

SI APOLINARIO MABINI AT ANG PINAKALUMANG BAHAY SA GASAN

ANG MAKASAYSAYANG BUHAY NI ROSARIO LUCES LUNA CAYETANO

ANG MISTERYO NG DEPORMADO AT PAHABANG BUNGO NG SINAUNANG TAO SA MARINDUQUE