ANG MISTERYO NG DEPORMADO AT PAHABANG BUNGO NG SINAUNANG TAO SA MARINDUQUE
"ALIEN O LOST RACE?" Noong 1860s, nang dumating sa Pilipinas si Fedor Jagor, isang German-Russian anthropologist, naglakbay at nagsaliksik siya at siya ang unang banyagang nakadiskubre ng mga pahabang bungo (elongated skulls) sa isa sa mga kuweba sa Marinduque. Ang mga depormadong bungo ay kahalintulad din ng mga bungo na kanyang natagpuan sa Cagraray at Albay sa Bicol. Noong 1881, dumating din sa Marinduque si Antoine-Alfred Marche, ang French naturalist at explorer, at gumawa ng isang sistematiko at siyentipikong pananaliksik sa mga pahabang bungo at bangkay ng mga tao. Pinasok niya ang mga kuwebang-libingan o ‘funeral grotto’ sa Boac, ang Bathala cave, at ang Tres Reyes Islands sa Gasan. Sa kanyang paggalugad, marami siyang nakuhang mga gamit o artifacts katulad ng mga banga (jars), pinggan, mga figurines, gintong alahas, ceramics, mga kalansay, at kabaong. Dinala niya ang kanyang mga nakalap sa kanyang pagbabalik sa France at idinisplay sa Musée du Quai Branly at Mus...