PIRATA AT PINSALA NG BAGYO SA GASAN NOONG 16TH AT 17TH CENTURY

Noong 16th at 17th century, puno ng lungkot, pighati at paghihirap ang pamumuhay ng mga tao sa Marinduque, lalo na sa bayan ng Gasan. Hindi pa ganap na bayan ang Gasan at isang pulutong (settlement) ng kabahayan pa lamang ang nasa lugar. Ito ay dahil sa pag-atake ng mga Morong pirata na naghahanap ng alipin at sa pinsalang dulot ng bagyo. Ngunit ayon sa tala ng kasaysayan, ang simbahan sa Gasan ay itinayo ng mga Kastila noong 1609 at ang bayan ng Gasan ay 414 taong gulang ngayon. Ayon sa kasaysayan, ang mga Malay, Intsik, at taga-Borneo ay may kalakalan na sa mga Pilipino. Mayroon din mga pirata na Moro at Borneo na umaatake sa ilang lugar upang kumuha ng tao, gawing alipin at ipagbili sa ibang tao. Ang sukdulan ng paglusob ng mga piratang ito ay naganap noong dekada 1750s dahil sa demand o hiling ng negosyante ng Dutch East Indies. At ang pag-atakeng ito ay ginagawa nila maging sa lugar na pinamamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo 1754, halos 900 na pirata na sakay ng 17 Moro 'emba...